^

Metro

1 utas, 1 pa kritikal sa bus

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang mabundol ng isang rumaragasang bus sa Caloocan City habang isa pang lalaki ang kritikal naman nang mabangga rin ng isa pang bus sa may Valenzuela City kahapon ng umaga.

 Inilarawan ang nasa­wing biktima na nasa edad 30, katamtaman ang pa­ngangatawan, naka-itim na t-shirt at maong na short.  Hindi naman naplakahan o nakita ang pangalan ng nakabundol na bus na nakita ng isang saksi na kulay berde ang likuran at may ads ng soy sauce.

Ayon kay Senior Insp. Pablo Temenia, hepe ng Traffic Division ng Caloocan City Police na alas-2:45 ng madaling araw, naglalakad ang biktima sa tapat ng Caltex Gasoline Station sa Urbano st., EDSA Caloocan City nang mahagip ng bus, makaladkad at magulungan na naging dahilan ng agad na kamatayan habang hindi na huminto ang hindi pa kilalang driver.

Samantala, inoobserbahan naman sa may Fatima Medical Center ang 18-anyos na estudyante na si Miguel Angelo Enriquez, ng Bernadette St., Karuhatan, ng naturang lungsod.

Naglalakad sa gilid ng MacArthur Highway ang biktima nang masagi at makaladkad ng bus ng King Sam. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng bus na si Santiago Cruz, residente ng Pulilan, Bulacan at nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to serious physical injuries.

 

BERNADETTE ST.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CALTEX GASOLINE STATION

FATIMA MEDICAL CENTER

KING SAM

MIGUEL ANGELO ENRIQUEZ

PABLO TEMENIA

SANTIAGO CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with