Hindi pinayagang makapag-enroll 30 estudyante nag-hunger strike
MANILA, Philippines - Makaraang hindi makapag-enroll at hindi pinayagang makapasok dahil sa pagpruprotesta sa P1,000 pisong Development Fee kada estudyante noong isang taon, magsasagawa ng isang linggong hunger strike ang may 30 estudÂyante ng Eulogio Amang RodÂriguez Institute of Science and Technology (EARIST) simula ngayon.
Ayon kay Christian Yamzon, media officer ng KAMAO EARIST ANAKBAÂYAN Metro Manila, kasama ng mga block-listed na estudyante ang kanilang mga magulang at taga-suporta sa hunger strike laban sa tinagurian nilang campus repression ngayong umaÂga sa Valencia Gate ng kolehiyo na nasa Valencia Street, Nagtahan, Sta. Mesa, Manila
Kasama ng mga estudÂyante ang kani-kanilang mga magulang na mananawagan at hihingi ng atensiyon ni Pangulong Noynoy Aquino.
Matatandaang ang mahigit na 30 estudyante ng EARIST ang pumalag nang hindi sila payagan ng presidente ng EARIST na makapag-enrol ngayong taon dahil sa pagpalag ng mga ito sa illegal collection na P1K para sa umano sa development fee kada estudyante ayon sa grupo, ang 5-day hunger strike na sisimulan ngayon ay matatapos lamang sa sandaling payagan ang mga estudyante na makapag-enroll.
“Starting today also, they will hold overnight vigil outside their campus. ProgÂram and burning of masks of PNoy and their school president, waiÂvers and EARIST logo will also be held all throughout the day tomorrowâ€, ayon pa kay Yamzon.
- Latest