^

Metro

1 na namang opisyal ng brgy. sa Caloocan, nilikida

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang opisyal ng barangay sa lungsod ng Caloocan ang pinagbabaril at napatay ng mga gun for hire na  riding in tandem , kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Nakilala ang pinakabagong biktima na si Rogelio Escano, 53, kagawad ng Brgy. 44 at naninirahan sa P. Sevilla Street, sa naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan Police, nagluluto sa loob ng Tony’s Restaurant sa may 8th Avenue ang biktima nang pasukin ng dalawang armadong salarin at pagbabarilin ang kagawad.

Nagtamo ng tama ng bala buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kaliwang mata ang biktima sanhi ng agad nitong kamatayan. Mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng isang motorsiklo tungo sa hindi mabatid na direksyon.

Matatandaan naman na Miyerkules ng gabi nang pagbabarilin at mapatay rin si Kagawad Garry Moralla ng Barangay 181 habang nitong nakaraang Lunes ay ang hepe naman ng Department of Public Safety and Transportation Management unit-North na si Eduardo Balana ang pinagbabaril at napaslang.

Nananatiling blangko at walang naaarestong suspek sa sunud-sunod na krimen ang pamunuan ng Caloocan City Police.

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRANSPORTATION MANAGEMENT

EDUARDO BALANA

ISA

KAGAWAD GARRY MORALLA

ROGELIO ESCANO

SEVILLA STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with