Deniece dinala na sa Taguig RTC
MANILA, Philippines — Dinala na ang modelong si Deniece Cornejo sa Taguig Regional Trial Court (RTC) ngayong Martes matapos sumuko kahapon sa Philippine National Police (PNP).
Ihaharap si Cornejo kay Taguig RTC Branch 271 Judge Paz Esperanza Cortes na naglabas ng arrest warrant para sa kasong serious illegal detention, ang kasong walang piyansa.
Bantay sarado ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang convoy ng modelo nang dumating sa Taguig RTC bandang alas-8 ng umaga.
Kaugnay na balita: Deniece Cornejo sumuko!
Isa si Cornejo sa mga suspek sa pambubugbog sa TV host na si Vhong Navarro noong Enero 22 sa loob ng Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City Taguig.
Nauna nang nadakip ang iba pang kasamahan ni Cornejo na sina Cedric Lee at Simeon Palma alyas Zimmer Raz.
Matapos ang dalawang linggong pagtatago ay sumuko si Cornejo kay PNP chief Director General Alan Purisima kahapon.
Pinaghahahanap pa rin hanggang ngayon ang iba pang suspek na sina Jed Fernandez at Ferdinand Guerrero.
- Latest