SUV na higit 300 beses dumaan sa Edsa Busway, sinubpoena ng LTO

MANILA, Philippines — Pinadalhan na ng show cause order (SCO) at inalarma na ng Land Transportation Office (LTO) ang registered owner ng Montero Sport na 307 beses dumaan ng EDSA Busway mula taong 2022.
Sinabi ni LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II ang SCO ay tugon ng LTO sa request ni MMDA Chairman Don Artes na tingnan ang paulit ulit na pagdaan ng naturang sasakyan sa exclusive bus lane sa kahabaan ng EDSA.
Sinasabing kasama sa 307 violations ang 14 na beses na nakita sa CCTV cameras mula nang ipatupad ang No-Contact Apprehension Policy noong nakaraang buwan. Sa pagberepika ng LTO, ang naturang sasakyan ay huling nairehistro noong August 2022.
Sa SCO, hiniling ni LTO- Intelligence and Investigation Division (IID) chief Renante Melitante sa registered owner na dalhin ang driver ng sasakyan at mag-submit ng written explanation kung bakit hindi maaaring parusahan kaugnay nang sunud-sunod na paglabag sa batas trapiko.
Ang driver ng naturang sasakyan ay mananagot sa iba’t ibang paglabag tulad ng multiple disregard of traffic sign at obstruction at Improper Person to Operate a Motor Vehicle under Section 27 (a) of R.A. 4136.
Ang registered owner ay nahaharap naman sa kasong paglabag sa Compulsory Registration of Motor Vehicles (Section 5 of RA4136). (Angie dela Cruz)
- Latest