Mayor Joy sa mga kalalakihan: ‘Wag mahiyang humingi ng tulong

MANILA, Philippines — Hinimok ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga kalalakihan sa lungsod na huwag mahiyang humingi ng tulong hinggil sa kalagayan ng kanilang mental health.
Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte bilang bahagi ng paggunita ng QC LGU sa Men’s Mental Health Awareness Month. Aniya, ang tunay na lalaki ay hindi marunong mahiya na humingi ng tulong. “It’s okay not to be okay.” Sabi ni Mayor Belmonte.
Base sa 2024 national assessment ng Department of Health (DOH) at ID insight, may concerning gaps sa mental health literacy ang mga lalaking Pilipino na kabilang sa common mental health scenarios ay nasa 33.9% identified signs ng anxiety, 32.6% recognized eating disorders, 38.4% identified bipolar disorder, 49.6% could identify symptoms of depression.
Kahit may mga sintomas, nasa 27% lamang sa respondents ang nagrekomenda na humingi ng tulong ukol sa depression.
Sa QC Health Department (QCHD), isa lamang sa 5 pasyente na may access sa mental health services ay lalaki.
Ayon kay QCHD OIC Dr. Ramona Abarquez, cultural expectations ang dahilan kung kaya mababa ang bilang ng mga lalaki na humihingi ng tulong.
“Denial, lack of self-awareness, and stigma often discourage men from seeking care. For many, asking for help is wrongly perceived as weakness. But true strength lies in vulnerability and self-care,” pahayag ni Abarquez.
Ang QCitizens ay maaaring tumawag sa Helpline 122 para sa agarang psychosocial support at crisis intervention.
- Latest