^

Metro

Dekadang illegal terminal nalinis ng MTPB

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tila nabunutan ng tinik ang mga residente sa  Pedro Gil, Gen. Malvar at Agoncillo St. sa Maynila matapos na malinis  mula sa illegal­ terminal ang ka­nilang lugar.

Ayon sa iisang paha­yag ng mga residente, ma­­tagal na nilang inire­reklamo sa mga nagda­ang alkalde ang lugar su­balit ngayon lamang nabigyan ng solusyon ng  Manila Traffic and Parking­ Bureau (MTPB) sa pamu­muno ni Carter Don Logica­.

Nagpasalamat  din ang mga residente sa mabilis na pag-aksiyon sa kanilang  reklamo.

Laking gulat ng mga driver  at operators  nang  hatakin ng MTPB ang mga  passenger jeep na nakahimpil sa lugar na mahigpit na ipinababawal dahil na rin sa reklamo ng mga residente.

Nabatid sa mga residente na halos  ginagawa nang CR at tulugan ng mga driver at mga pala­boy ang lugar kung saan nakatigil ang mga pampasaherong jeep na may biyaheng Guadalupe-Faura.

Halos wala na rin umanong madaanan ang mga tao dahil sa nagdo­doble parking pa ang mga jeep.

Tiniyak naman ni Logica­ na minomonitor na nila ang iba pang lugar na may illegal terminal at parking dahil nais ng city government na malinis ang mga lugar sa Maynila at mapa­luwag ang daloy ng sasak­yan.

 

AGONCILLO ST.

AYON

CARTER DON LOGICA

MANILA TRAFFIC AND PARKING

MAYNILA

PEDRO GIL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with