^

Metro

Opisyal ng MPD abusado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang pakundangan kung magsalita sa mga pulis at mistulang naghahamon ng away at ‘feel na feel’ ang pagiging superior niya o pagiging opisyal.

Ito ang impresyon ng mga kasamang miyembro ng Manila Police District (MPD) patungkol kay Supt. Froilan Uy, hepe ng MPD-Logistics (D4).

Ayon sa  isang  pulis ng  District Anti-Illegal Drugs (DAID) sobra na ang kayabangan  ni Uy kung saan nakita niya ang  pananadyak sa sasakyan ng pulis at reporter bukod pa sa paninigaw at pag-utos na ikadena ang sasakyan na nakaparada sa gilid ng health service office. Bandang alas-4:00 umano  ng  hapon ng tad­yakan nito ang mga gulong ng sasakyan, gayung malambot na ang gulong dahil sa kalumaan.

Maliban pa ito sa ginawang pagkadena nitong nakalipas na taon kung saan pinaskilan ng sulat kamay ni Uy na iligal ang parking gayung sa gilid naman ng tanggapan ng DSOU nakaparada ang nasabing sasakyan na madalas paradahan ng service vehicle ng kanilang unit.

Nagpaalala tuloy ito sa nakaraang buwan, na nasaksihan ng PSN, kung saan nasa tatlong sasakyan ang hindi makadaan palabas ng social hall dahil inihamba­lang nito ang kaniyang Pajero sa daanan bandang alas-7:00 ng gabi na dapat na hindi niya ginagawa.

Bukod sa madalas magpakadena ng sasakyan ay pinapaskilan niya ng ‘illegal parking, report to DHSU, gayung  hindi naman siya ang hepe doon.

Hindi umano nito inaalintana na ang pagkalampag niya sa mga sasakyan ng kapwa pulis ay hindi magandang halimbawa bilang opisyal na maaring magbunga ng gulo.

Kahit hindi umano siya ang may kapangyarihan sa pag-aayos ng parking sa loob ng MPD headquarters ay madalas na ipa-padlock ni Uy sa mga tao niya ang mga nakaparadang motorsiklo at pasigaw pa niyang sinasabihan ang mga pulis na ‘hoy! Alisin niyo yan, di kayo authorize na magpark diyan, ikakadena ko yan.’

Isang kawawang pulis ng MPD ang ipinatapon umano sa NCRPO, sa Bicutan kamakailan nang manga­twiran kay Uy dahil lamang sa pagpa-park sa loob ng MPD.

Nagtataka ang mga pulis sa pag-uugali ni Uy na dapat na aksiyunan ni MPD Director Chief Supt. Rolando Asuncion.

 

ALISIN

DIRECTOR CHIEF SUPT

FROILAN UY

MANILA POLICE DISTRICT

PULIS

ROLANDO ASUNCION

SASAKYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with