^

Metro

Bangkay itinago sa ilalim ng kama, 12-anyos ginahasa na, pinatay pa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang ginahasa bago pinatay ang isang 12-anyos na paslit kung saan tinangka pang itago ang krimen nang balutan ito ng kurtina at ilagay sa ilalim ng kama ng kapitbahay nito sa Tondo, Maynila kama­kalawa ng hapon.

Walang saplot pang-ibaba, may dugo sa bibig at sugat sa leeg, mukha at braso nang natagpuang patay ang biktimang si Josephine Dealagdon ng Temporary Housing, Tondo, Manila.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang hinihinalang suspek na isang Evert Espanillo, alyas Berto, 29, truck helper at kapitbahay ng biktima.

Sa report ni Det Richard Escarlan ng MPD -Homicide Section, dakong alas-3:00 ng hapon nang natagpuan ang bangkay ng biktima sa inuupahang bahay ng suspek.

Huling nakitang buhay ang biktima noong Marso 30 dakong alas-7:00 ng gabi nang utusan ito ng kanyang nanay na bumili ng mi­neral water sa kalapit na tindahan subalit mula noon ay hindi na nakauwi pa.

Isang Jerie Mae  na kaibigan ng nasawi ang nakadiskubre sa katawan ng biktima sa loob ng bahay ng suspek  kung saan may mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang ka­tawan na pinaniniwalaang nan­laban ito.

Wala na ring saplot pang-ibaba ang biktima na hinihinalang ginahasa ng suspek.

vuukle comment

BERTO

DET RICHARD ESCARLAN

EVERT ESPANILLO

HOMICIDE SECTION

HULING

ISANG JERIE MAE

JOSEPHINE DEALAGDON

MARSO

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with