^

Metro

Caretaker ng gusali nadiskubreng patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuang  patay ang isang 53-anyos na caretaker ng gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bonifacio Drive, Port Area, Manila, kahapon ng umaga.

Nakadapa sa sahig at hindi na gumagalaw ang biktimang si Ricardo Guarino, stay-in, tubong Pagsanjan, Laguna nang mapansin ng janitress na si Annalyn de la Cruz.

Pumasok umano sa employees barracks si de la Cruz para magpalit ng kanyang uniporme dakong alas- 8:00 ng umaga kahapon nang makita niya ang nakadapang biktima sa sahig.

Nagtaka siya kung bakit nasa sahig kaya nilapitan at doon niya nahawakan na matigas at malamig na ang katawan.

Hinihinalang inatake sa puso ang biktima at bumagsak ito sa sahig.

Inilagak na sa Nathan Funeral Parlor ang labi ng biktima para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

ANNALYN

CRUZ

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

HINIHINALANG

INILAGAK

NAGTAKA

NAKADAPA

NATHAN FUNERAL PARLOR

PORT AREA

RICARDO GUARINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with