^

Metro

Truck salpok sa dyip: 7 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pito katao ang sugatan nang salpukin ng isang 14 -wheeler truck at isang pampasaherong jeepney sa Quezon Avenue, sa lungsod kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat, ang mga biktima ay pawang nagtamo ng mga galos, at sugat sa kanilang mga katawan at agad na nilapatan ng lunas ng rumespondeng rescue team, habang ang iba ay itinakbo sa East Avenue Medical Center.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng naturang Avenue, malapit sa Delta, ganap na ala-1:30 ng hapon.

Ayon sa driver ng PUJ (PWN-773)  na si William Aurelio, kahihinto lamang umano niya sa lugar para magbaba ng pasahero nang biglang tumbukin ang tagilirang bahagi ng kanyang jeepney ng nasabing truck na minamaneho ni Domingo Muhi.

Sa lakas ng impact, nagpaikut-ikot ang PUJ saka sumampa sa center island, bago huminto. 

Ang resulta, lima sa mga pasahero ng PUJ ang sugatan na agad namang itinakbo sa ospital, habang ang driver na si Aurelio at Muhi na sugatan din ay agad na nilapatan ng lunas.

 

vuukle comment

AURELIO

AYON

DOMINGO MUHI

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

MUHI

NANGYARI

PITO

QUEZON AVENUE

WILLIAM AURELIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with