Babaeng ‘tulak’ timbog ng PDEA
MANILA, Philippines - Natimbog ng mga opeÂratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang hinihinalang babaeng ‘tulak’ sa droga matapos na makuhanan ng 50 gramo ng shabu at 200 gramo ng marijuana sa ginawang buy-bust operation sa Parañaque City.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Juvine Bayonado, alyas Vine, 25, at residente ng Project 7, Quezon City.
Ayon kay Cacdac, naÂdakip ang suspek makaraang magbenta ito ng nasabing droga sa isang PDEA agent na nagkunwaring buyer alas-5 ng hapon sa may Bradco Avenue, malapit sa membership shopping center Aseana-Baclaran Branch, Baclaran, Parañaque City.
Nabawi rin ang isang P500 marked money na ginamit sa naturang operasyon.
- Latest