^

Metro

Operasyon vs batang hamog, suportado ng transport group

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng isang transport group ang walang tigil na operasyon ng pulisya laban sa mga barker at grupo ng batang hamog  na sangkot sa mga krimen at naglalagi sa mga terminal ng mga pampasaherong jeep sa Pasay City.

Personal na nagtungo si Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) national president Efren De Luna sa tanggapan ni Senior Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police  upang ipaabot ang kanilang pagsuporta sa ginagawang pagdakip sa mga barker at batang hamog na karaniwang sangkot sa kaso ng snatching, salisi at panghoholdap.

Sinabi ni  De Luna, kaisa sila ng pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan, katahimikan at kalinisan, lalo na sa mga terminal ng pampublikong sasakyan na karamihan ay pawang miyembro ng naturang transport group ang mga pumapasada.

Nabatid na sinimulan ng pulisya ang panghuhuli sa mga barker at sa mga batang hamog matapos ang magkakasunod na reklamo ng panghoholdap at snatching sa mga terminal ng pampublikong sasakyan na karamihan sa mga biktima ay mga kababaihang estudyante.

Ilang mga menor-de-edad naman na nadakip ng pulisya ang isinailalim na sa panga­ngalaga ng Department of Social Welfare habang ang mga kabataang may nakabim­bing kaso ay dinala sa Youth Center.

vuukle comment

ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATION

DE LUNA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

EFREN DE LUNA

FLORENCIO ORTILLA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with