Bukod sa nadatnang natutulog, bagong District Director hindi pa nakilala; buong puwersa ng MPD-Barbosa police station, sinibak
MANILA, Philippines - Sinibak sa puwesto ni Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Rolando Asuncion ang buong puwersa ng MPD-Barbosa Police Station matapos na mahuli sa aktong natutulog ang mga pulis at marumi ang istasyon kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.
Agad na inalis sa puwesto sina Barbosa-PCP commander Chief Insp. Joselito De Sesto gayundin ang kanyang deputy na si Insp. Joel Guimpatan at 19 pang pulis.
Sa kuwento ni Asuncion, papunta na siya sa kanyang tanggapan nang maisipan niyang magtungo sa Barbosa PCP upang makita na ang mga pulis Maynila ay may disiplina. Laking gulat niya nang kabaligtaran ang kanyang nakita.
Ayon kay Asuncion, nagkunwari siyang magpapablotter kung saan agad siyang pinalapit ng desk officer at tinanong kung ano ang kanyang irereklamo. Hindi umano siya nakilala nito.
Nakita ni Asuncion na may mga natutulog, ash tray, bote na nakakalat sa sahig sa PCP kung kaya’t kinunan niya ito ng video gamit ang kanyang Iphone. Subalit isa sa mga pulis ang nakakita sa kanya at siya ay sinita.
Dito na nagpakilala si Asuncion bilang district director kung saan agad niyang inutos na magsilabas ang lahat ng mga pulis na agad namang nagsagawa ng formation. Nadismaya umano siya sa kanyang nakitang kawalang disiplina.
‘Kung marumi ang lugar lalo na siguro ang CR. Dapat ang CR ang pinakamalinis dahil dito nagre-reflect ang personalidad ng isang taoâ€, ani Asuncion.
Dahil dito sinabi ni Asuncion na kailangan niyang ayusin ang kanyang nasasakupan kung kaya’t ito na rin ang kanyang babala sa iba pang mga station commanders.
Papalit naman kay De Sesto si Sr. Insp. Alden Lee Panganiban bilang bagong Barbosa-PCP Commander.
- Latest