^

Metro

BI personnel na sangkot sa katiwalian tukuyin -- Mison

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon ni  Immigration Commissioner Siegfred B. Mison ang mga foreign nationals  na kasalukuyang naka­kulong sa BI Warden Facility (BIWF) na tukuyin ang mga immigration personnel na sangkot sa katiwalian sa kulungan.

Ayon kay Mison hinikayat niya ang “Foreigners for Justice­” na tukuyin ang mga jail guards at personnel na sangkot sa extortion, pagmamaltrato at pananakit sa BIWF Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sinabi ni Mison na mas makabubuting kilalanin ang mga sangkot upang agad na masampahan ng kaso. Aniya, hindi niya  kukunsintihin kailanman ang  gawaing ito.

Batay sa record umaabot na sa 168 foreign nationals ang kasalukuyang BIWF kung saan nangunguna rito ang Taiwanese 44 detainees; Chinese, 33; Koreans, 18; 16 Ame­ricans; at 10 Indians.

Iginigiit ng mga foreign detainees na ilan sa mga BI  officials ang dahilan kung kaya’t sinampahan sila ng deportation case.

Gayunman, kung may deportation order hindi pa rin  ma­­kalalabas ng bansa ang mga detainees dahil naman sa nakabinbing kasong criminal  laban sa kanila.

 

ANIYA

AYON

CAMP BAGONG DIWA

IMMIGRATION COMMISSIONER SIEGFRED B

MISON

TAGUIG CITY

WARDEN FACILITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with