^

Metro

Programang pangkabuhayan, handog sa mga taga-Agham – VM Joy B.

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Quezon City   Vice Mayor Joy Belmonte na paglalaanan ng mga livelihood projects ang mga residenteng mare-relocate sa Bulacan na mula sa mga dinemolis sa Agham Road, Quezon City.

Sinabi ni Belmonte na batay sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Mayor Herbert Bautista may nakahandang pabahay ang lokal na pamahalaan sa tulong ng National Housing Authority (NHA) sa mga residente ng Agham na mare-relocate sa naturang lugar.

Sinasabing mahigit na sa 100 pamilya ang pumabor na malipat sa itinakdang relocation area ng NHA makaraan na maayos ang gusot hinggil sa paglipat ng mga ito sa mas disenteng tahanan na matatawag na kanila.

Kaugnay nito, binigyan ng deadline ng QC govern­ment ang mga residente ng Agham na hanggang bukas, araw ng Miyerkules  na lamang para mag­desisyon ang mga ito na maglipat tirahan sa Bulacan kung hindi ay gigibain na ang mga istraktura na hindi na naaalis sa nabanggit na lugar.

 

AGHAM

AGHAM ROAD

BELMONTE

BULACAN

MAYOR HERBERT BAUTISTA

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

QUEZON CITY

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with