^

Metro

Sa loob ng apartelle sa QC bebot binaril, kasamang lalaki nag-suicide

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binaril muna ng isang lalaki ang kasama niyang babae­, bago siya naman ang nagbaril sa sarili dahilan  upang kapwa sila bawian ng buhay sa loob ng isang apartelle sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Sa sketchy report ng pulisya, inaalam pa ang pa­ngalan ng mga nasawi.

Nangyari ang insidente sa may loob ng Taxi apartelle na matatagpuan sa P. Tuazon Cubao, ganap na alas- 5:30 ng hapon.

Sinabi sa inisyal na ulat ng pulisya, base sa sitwasyon sa loob ng kuwarto, nakita nilang duguan ang babae sa tabi ng kama habang ang lalaki naman ay nakita nilang walang buhay sa loob ng kubeta at may tama ng baril sa katawan.

Pinalalagay ng awtoridad na maaaring binaril muna ng lalaki ang babae matapos na magtalo bago nito tinapos­ ang kanyang buhay.

Itinakbo pa ng awtoridad ang babae sa isang malapit na ospital pero ayon sa ulat ay hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

Sa kasalukuyan, patuloy na nagsasagawa ng pagsi­siyasat ang pulisya upang mabatid ang kabuuang detalye ng insidente at malaman ang relasyon ng dalawa.

vuukle comment

BABAE

BINARIL

BUHAY

ITINAKBO

NANGYARI

PINALALAGAY

QUEZON

SINABI

TUAZON CUBAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with