Sa Las Piñas “House-to-house” na pagbabakuna kontra tigdas, pinalakas
MANILA, Philippines - Patuloy pa rin sa pagsasagawa ng “house-to-house†na pagbabakuna ang Las Piñas City Health Office kontra sa tigdas na patuloy ang pagtaas ng bilang ang mga nagiging biktima.
Sa datos ng city health office, umaabot na sa 79 ang naitalang kumpirmadong biktima ng tigdas sa pagitan ng buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.
Una nang naiulat na isang 2-anyos na bata ang nasawi sa Las Piñas dahil sa naturang sakit. Isa sa tinitignan na anggulo ng mga health officer ang pagdagsa sa lungsod ng mga residente ng mga binagyong lugar sa Visayas na may dalang sakit hanggang sa kumalat na.
Ayon kay Dr. Freddie Eusebio, city health officer ng siyudad, 23 mula sa kabuuang 30 health center sa siyudad ang nakapagtala ng kumpirmadong kaso ng nakahahawang sakit.
Pinakamaraming naitala sa Talon Cuatro kung saan may 10 kumpirmadong nagka-tigdas; Talon Dos na may siyam at Talon Singko na may anim.
Umayon na rin ang mga health officers sa instruksyon ng Department of Health na huwag munang papasukin ang mga batang may sakit na tigdas sa pagbubukas ng klase sa mga paaralan.
- Latest