^

Metro

OFW nilason muna, bago pinagnakawan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaratay ngayon sa pa­gamutan ang isang babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) makaraang lasunin umano ng hindi pa nakikilalang suspect at tangayin ang kanyang pera at mahahalagang gamit nito, kamakalawa ng umaga sa Taguig City.

Inoobserbahan sa Taguig Pateros District Hospital ang biktimang nakilalang si Ma­risa Pinmorog, 28, tubong Baguio City at isang OFW buhat sa Hongkong.

Sa ulat ng Taguig City Police, dakong alas-10 ng umaga nang madiskubre ng roving security guard ng Sunshine Mall sa may DBM Avenue, FTI Complex, Brgy. Western Bicutan, ang walang malay na biktima.

Agad na sinaklolohan ng mga guwardiya ang biktima at isinugod sa TPGH kung saan nilapatan ng pangunahing lunas matapos na madiskubre na nakainom ito ng isang uri ng lason.

Dakong alas-4 ng hapon na nang ipaalam ng Emi­­rate Security Agency sa pulis sa Brgy. Western Bicutan ang pangyayari saka lamang na­karesponde ang mga ito. Sa panayam kay Security Officer­ Joseph Junio, isang hindi nakilalang babae umano ang huling nakitang kasama ni Pinmorog at tumangay ng lahat ng kanyang pera at gamit nang mawalan ito ng malay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente habang hinihintay ng mga pulis na umayos ang pakiramdam ng biktima bago ito imbesti­gahan.

 

BAGUIO CITY

BRGY

JOSEPH JUNIO

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PINMOROG

SECURITY AGENCY

SECURITY OFFICER

SHY

WESTERN BICUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with