CSC kinalampag sa ‘abusong’ DAR protest
MANILA, Philippines - Dahil sa tila kawalang ginagawang aksyon ng pamunuan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa kanilang mga empleyado dahil sa umano’y pagiÂging takot nito partikular sa DAREA officers, umapela na ang ilang empleyado sa tanggapan ng Civil SerÂvice Commission (CSC) na manghimasok na sa kanilang suliranin.
Ayon sa mga dismayadong empleyado ng DAR na tumangging magpabanggit ng pangalan, naaabuso na umano ang freedom to express opiÂnion at freedom to assembly kahit pa ito umano ay isinagawa sa lunch break ng kanilang ahensiya.
Katwiran ng mga dismayadong empleÂyado ay mayroon nang mga inihain na kaso sa mga DAREA officers sa Ombudsman, Civil Service Commission (CSC) at Quezon City Regional Trial Court kaya mas nararapat lamang umano na hintayin na lang ang desisyon sa naturang mga kaso.
“Binabastos ng mga DAREA officers ang mga opisyales namin at inilalagay nila sa tarpaulin at idinidikit pa sa mismong compound ng DAR kapag mayroon silang hindi nagustuhan sa pamamalakad kaya lang walang magawa ang office ni Secretary Virgilio delos Reyes kasi natatakot din,†Ayon pa sa mga empleyado.
Lubos umano nilang ipinagtataka ang ginagawang pananahimik ng mga opisyales sa tanggapan ni delos Reyes dahilan upang pagdudahan ang mga ito na mayroong mga itinatagong lihim na ayaw umanong mabunyag.
- Latest