Problema ng LGBT sa QC, tututukan ni VM Joy B
MANILA, Philippines - Bibigyang solusyon ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga suliranin ng mga lesbian, gay, bi-sexual at transgender (LGBT) community sa lungsod na kadalasang nabibiktima ng deskriminasyon, harrassment, pang aabuso, bullying at iba pa.
Sa isinagawang LGBT summit na pinangunahan ni Belmonte, sinabi nitong magpapatupad ng bagong batas ang QC para labanan ang deskriminasyon sa mga LGBT at tuloy mabigyan ang mga ito ng dagdag na serbisyo sa edukasyon, pangkaluÂsugan, livelihood at iba pa na maaaring makatulong sa kanilang pag-unlad bilang isang mamamayan ng lungsod.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Belmonte na bago ang ipatutupad na batas ay magsasagawa muna ng isang public consultation ang kanyang tanggapan katulong ang mga barangay officials at mga private sector para malaman ang pangangailangan ng LGBT at kung paano sila matulungan para maging produkÂtibo sa bawat komunidad.
Bagamat mayroon na anyang batas sa lungsod hinggil sa anti discrimination, mas mainam na makapagpatupad ng bagong batas hinggil dito na para sa mga LGBT.
Sa ngayon ay hindi saklaw ng kasalukuyang anti-descrimination bill ang tungkol sa larangan ng edukasyon, kalusugan at iba pang mga serbisyo. Ang batas ay laan lamang sa trabaho at work place sa lungsod.
Kaugnay nito, hiniling ni Belmonte sa mga LGBT sa QC na magparehistro sa Community Relations Office (CRO) sa QC hall dahil wala pang representative dito ang LGBT para tuloy mapabilis ang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga problema.
- Latest