^

Metro

‘Medalya ng Kagalingan’ tinanggap ng EPD

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginawaran ng ‘Medalya ng Kagalingan’ ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang Eastern Police District (EPD) dahil sa pagkakaaresto ng mga tauhan nito sa isang opisyal ng New People’s Army (NPA) at asawa nito noong buwan ng Hunyo ng taong ito sa lungsod ng Marikina.

Mismong si NCRPO director P/Chief Superinten­dent Marcelo Garbo Jr., ang nagbigay ng parangal kay P/Supt., Remus Medina, EPD Intelligence Chief, sa isinagawang simpleng seremonya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay Garbo, ang parangal ay iginawad kay Medina at sa mga tauhan nito para sa kanilang walang katumbas na performance at debosyon sa pagsisilbi ng warrant of arrest na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang mataas na opisyal ng Eastern Visayas Committee-Regional Production Bureau of the CPP/NPA na nakilalang sina Juan Paolo Socrates Versoza Jr. alyas “Ka Arvin”, “Cocoy”, at “Egay” at kanyang asawang si Grace Abarratigue Versoza.

Matatandaang ang mag-asawang Versoza ay naaresto noong Hunyo 28 sa Unit C, Carnation St., La Colina Subdivision, Barangay Parang, Marikina City.

Ayon naman kay Medina, ang pagkaka-aresto sa mag-asawang Versoza ay sa pamamagitan ng “per­sistence intelligence build-up” ng EPD intelligence team, at sa pakikipagtulu­ngan sa Catbalogan Police Office, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Internal Security Group-Philippine Army (ISG-PA).

Nabatid na ang mga mag-asawang suspek, na kasalukuyang nakadetine sa Catbalogan City Provincial Jail, ay may arrest warrant din para sa kasong pagnanakaw at homicide at paglabag sa Republic Act 9516, na mas kilala sa tawag na Codifying Laws in Firearms and Ammunitions.

vuukle comment

AYON

BARANGAY PARANG

CAMP BAGONG DIWA

CARNATION ST.

CATBALOGAN CITY PROVINCIAL JAIL

CATBALOGAN POLICE OFFICE

CHIEF SUPERINTEN

CODIFYING LAWS

EASTERN POLICE DISTRICT

EASTERN VISAYAS COMMITTEE-REGIONAL PRODUCTION BUREAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with