Sa QC at Pasay City 3 biktima ng salvage natagpuan
MANILA, Philippines - Tatlong bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar kahapon ng madaling-araw sa lungsod Quezon at Pasay.
Sa Quezon City, dalawang bangkay ng lalaki na tadtad ng tama ng bala ng baril ang natagpuan. Tulad ng ibang biktima ng salvage, walang pagkakakilanlan ang mga biktima. Isa sa mga ito ay tinatayang nasa gulang na 50-55, may taas na 5’2’’, baÂlingkinitan ang pangaÂngatawan, kayumanggi, at nakasuot ng puting t-shirt at asul na maong pants. May tattoo rin ito sa kanang braso ng SAKURAGIC, numerong “32†sa kaliwa, at “LA†sa likuran.
Habang ang isa ay nasa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 5’1’’, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot ng pulang t-shirt at kulay brown na maong pants. Ang mga ito ay pawang may mga tama ng bala sa katawan.
Natagpuan ang mga bangkay sa may kahabaan ng Zamboanga St., corner Rizal Sandakot, Payatas B, sa lungsod, ganap na ala-1 ng madaling-araw.
Ayon sa isang residente, nasa loob siya ng kanyang bahay nang marinig niya ang mga putok ng baril sa labas.
Nang kanyang labasin ay nakita niya ang isang asul na van na humaharurot papalayo sa lugar patungo sa hindi mabatid na direksyon.
Ilang sandali pa,nakita ang mga biktima.
Narekober sa pinangÂyarihan ng krimen ang walong basyo ng kalibre .45 baril, dalawang basyo ng kalibre 9mm, dalawang bala ng kalibre .45.
Samantala, sa Pasay City isinilid naman sa isang karton ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang pinaslang sa pamamagitan ng pagbigti.
Inilarawan ng pulisya ang bangkay na may taas na 5’8’’, nasa pagitan ng edad na 40-45 anyos, semi-kalbo, malaki ang pangaÂngatawan, nakasuot lamang ng maong na pantalon, at may mga tattoo sa kanang balikat na may katagang: “Rosebud at Knightâ€.
Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, dakong alas-3:40 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay na isiniksik sa isang maÂlaking karton sa gilid ng Donada St., Brgy. 33, sa naturang lungsod.
Nagpapatrulya ang mga tauhan ng barangay nang madiskubre ang karton. Nang kanilang buksan ay lumantad ang bangkay ng lalaki.
Hinihinala naman na pinaslang sa ibang lugar ang lalaki at itinapon lamang sa Pasay City upang iligaw ang mga imbestigador.
PaÂtuloy ngayong kinikilala ang naÂturang biktima.
- Latest