^

Metro

Kaugnay ng isasagawang eleksyon sa brgy.: Gun ban sinimulan; checkpoints kumalat

Joy Cantos at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigpit na sinimulan ka­hapon ng mga tauhan ng PNP ang pagpapatupad sa gun ban kaugnay sa  gagana­ping barangay elections sa darating na Oktubre 28 ng taong ito.

Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, sa unang bugso pa lamang ng gun ban, ilang si­bilyan na ang naaresto, kabilang dito ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang magsasagawa ng pangho­holdap sa lugar ng Pasay.

Nakuhanan ang mga ito ng isang hand grenade at .45 cal. na baril. 

Dalawang sibilyan na rin ang naaresto sa inilatag na checkpoint ng pulisya sa iba pang bahagi ng bansa.

Isa sa mga naaresto ay  si Christian de la Cruz sa checkpoint sa Brgy. Lumang Calsada, Calaca, Batangas nitong Sabado dakong alas-6 ng umaga.

Nasamsam mula sa pag-iingat ni De la Cruz ang isang cal. 45 Armscor na may limang bala.

Bago ito, dakong ala-1:40 ng madaling-araw kahapon ay nahuli naman ang sibilyang si Anthony Aguilar,  sa checkpoint sa Brgy. Lawaan, Roxas City, Capiz. Na­kumpiska mula rito ang isang cal. 38 revolver.

Ang gun ban na nag-um­pisang ipatupad kahapon ay tatagal hanggang Nobyembre 12 para matiyak na magiging maayos at matiwasay ang halalan hanggang sa ma­iproklama ang mga nagwaging kandidato sa halalang pambarangay.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni Sindac ang publiko na tanging ang may mga gun ban exemption lamang mula sa Comelec ang maaaring magdala ng mga armas.

Pinaalala rin nito sa mga pulis na magbabantay sa check­points na dapat ma­ging magalang sa pag-iins­peksyon sa mga dumaraang sasakyan at nakasuot ng uniporme.

Samantala, personal na pinangunahan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. at Commissioner Eliash Yusoph, bilang chairman ng Gun Ban Commission ang pagbabantay sa mga lalabag sa unang araw ng gun ban para sa October 28 barangay elections.

Inikutan ng dalawang opisyal ang mga itinalagang checkpoints na ipinuwesto sa Navotas, Malabon, Caloocan, Pasig, Makati at Pasay, kung saan agad nang may na­sampolan.

Sinimulan kahapon ng madaling-araw ang checkpoints  para sa nasabing gun ban. Kabilang sa nilagyan ng checkpoints ay ang Navotas-Malabon area; Monumento sa Caloocan City; Trinoma, North Avenue sa Quezon City, Pasig-Ortigas area, Kalayaan, Makati, Fort Bonifacio area at Pasay, Parañaque Airport road area.

Nilinaw din ng poll body na ang mga gun ban exemp­tions na inisyu para sa May 13, 2013 National and Local­ Elections ay kanilang kikila­lanin para sa barangay elections­.

Nabatid na ang mga lalabag sa gun ban ay maaaring maparusahan ng pagkabilanggo ng hanggang anim na taon, permanenteng madidiskwalipika sa pag-upo sa anumang public office at pagkakaitan ng karapatang bumoto.

ANTHONY AGUILAR

BAN

BRGY

CALOOCAN CITY

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES JR.

GUN

PASAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with