Pagbasura sa bus ban, iginiit sa korte
MANILA, Philippines - Ipinababasura ng mga bus operators sa Manila Regional Trial Court (MTRC) ang Resolution 48 na naÂging basehan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno upang ipatupad ang pagbabawal sa pagpasok ng mga bus sa lungsod ng walang terminal.
Sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, inihain ng Alabang Transport Cooperative Inc. ang kanilang kahiÂlingan na ideklarang walang bisa ang Resolution 48 ng Manila City Council.
Nais din ng grupo na magÂlabas ang korte ng temporary restraining order laban sa ipinatutupad na bus ban sa Maynila.
“Bawal po ito, dahil resolusyon lang ito at hindi ordiÂnansa, walang basehan si Vice Mayor Moreno at walang karapatan na mag-ban. They can only regulate but they can’t ban,†pahayag ni TopacioÂ.
Sinabi ni Topacio na hindi dapat magpataw ng mga kabayaran sa mga ‘passing thru’ sa mga bus. Dahil sa ginagawa ni Isko “he violate graft and corruptionâ€. Bilang isang public official di siya dapat nagpapabor ng third Party†ani Topacio.
Inakusahan din nito si Moreno na nagpupumilit na paboran ang mga bus company na mag-terminal sa Park and Ride.
Nabatid na umaabot sa P120 ang ibinabayad ng kada bus operators para sa 5 minutong pananatili sa Park and Ride terminal kung saan bukod pa sa kinakailangan ay may isang buwan advance ka at deposit. Iginiit pa ni Topacio na isang simpleng ‘extortion’ ang ginagawa ni Moreno.
Nagbanta ang mga bus company na kakasuhan ng graft and corruption sa Office of the Ombudsman si Moreno.
- Latest