Transport group lalahok sa 1 pang ‘pork’ protest
MANILA, Philippines - Lalahok ang transport group sa isasagawang panibagong kilos protesta ngayon sa Luneta laban sa pork barrel.
Ayon kay PISTON National President George San Mateo na napapanahon na muling isagawa ang malaking Anti-Pork Barrel Protest kasabay ng ika-41 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.
Ayon kay San Mateo, ang pork barrel system ay isa sa haligi na sumusuhay sa malalang sistema ng korapsyon sa Pilipinas na kung tawagin ay ‘Burukrata-Kapitalismo’.
Anya ang ‘Burukrata-Kapitalismo’ ay ang sistema ng pagpapatakbo sa gobyerno bilang negosyo para sa pansarili at pribadong interes na dapat nang mawakasan.
Binigyang diin ni San Mateo na patuloy na mananawagan ang kanilang hanay kasama ng mamamayang Pilipino upang labanan at buwagin ang pork barrel system at sistema ng korapsyon sa Pilipinas.
- Latest