^

Metro

Mag-ama itinumba sa loob ng bahay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang mag-ama makaraang sorpresang pasukin at pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Payatas B, Quezon City kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Jobert Gaspar Jr., 37, construction worker at anak na si Jeffrey Gaspar, 15, residente sa  Manondo Compound, Lansones St., Brgy. Payatas B, sa lungsod.

Ayon kay PO2 Rhic Roldan Pittong, may-hawak ng kaso, dalawang armadong lalaki ang bumaril sa biktima na mabilis ding tumakas makaraan ang insidente.

Nangyari ang krimen ganap na alas-9:30 ng gabi sa inuupahan nilang apartment habang nanonood ng telebisyon ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay kasama si Rosalie Dupla nang biglang sumulpot ang mga suspect at unang pagbabarilin ang batang Gaspar sa ka­tawan.

Nang makita ng mga suspect si Jobert ay siya naman ang pinuntiryang paputukan ng mga suspect. Agad na nasawi ang mag-ama. Masuwerte namang hindi tinamaan si Dupla. Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang mga suspect.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, narekober sa lugar ang tatlong basyo ng kalibre . 45 baril at apat na basyo ng kalibre 9mm.

Base sa cursory examination ng SOCO lumitaw na ang matandang Gaspar ay nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang mukha at leeg habang ang anak naman nito ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa kasalukuyan, pa­tuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente upang matukoy ang motibo ng naturang pamamaslang.

 

GASPAR

JEFFREY GASPAR

JOBERT GASPAR JR.

LANSONES ST.

MANONDO COMPOUND

PAYATAS B

QUEZON CITY

RHIC ROLDAN PITTONG

ROSALIE DUPLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with