Iskul binulabog ng ‘bomba’
MANILA, Philippines - Kinansela ang klase sa isang elementary school matapos mabulabog ang mga guro at mga estudyante nang makatanggap ng text message na may sasabog na bomba sa loob ng kanilang paaralan kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Base sa nakalap na impormasyon ng Caloocan City Police, dakong alas-5:30 ng umaga nang makatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng text message ang principal ng Pangarap Elementary School sa North Caloocan na si Dr. Rose Lorenzo.
Ayon sa faculty president na si Myla Taunan, nakasaad sa text na “May bombang sasabog diyan sa eskwelahan mula ngayong oras na ito.â€
Agad na ipinagbigay-alam ito sa ibang opisyal ng paaralan saka mabilis na pinalabas ang mga estudyante kung saan inabisuhan din pati ang mga nasa Pangarap High School na pader lang ang pagitan sa mababang paaralan.
Itinawag din sa mga barangay official at sa pulisya ang nasabing insidente na mabilis namang ruÂmesponde ang mga tauhan ng bomb squad ng Caloocan City Police sa naturang paaralan.
Sinuyod ng mga K-9 unit ang lahat ng sulok ng eskwelahan at matapos ang masusing imbestigasyon ay wala namang natagpuang bomba sa nasabing paaralan.
Pinauwi na rin ang mga estudyante matapos kanselahin ang klase mula umaga hanggang hapon sa nasabing eskuwelahan.
- Latest