^

Metro

Natakot makulong, kelot nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa takot na muling makulong, isang kalalaya pa lamang na suspect sa robbery ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ni PO2 Dennis Llapitan, ang nasawi na si Paul Anthony Macaspac, 27, na nagtatrabaho bilang pintor at naninirahan sa Gitna St., Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.

Ayon kay Llapitan, ang biktima ay natagpuang nakabitin sa bakanteng kuwarto ng kanilang bahay ganap na alas-3:45 ng hapon. Itinakbo pa si Paul sa Quezon City General Hospital (QCGH) pero idineklara ring dead-on-arrival.

Gumamit si Llapitan ng electrical cord na ipinalupot sa kanyang leeg saka itinali sa kisame. Inamin naman sa pulisya ng misis nito  na si Sharlene na  isa umanong drug addict ang mister  at dati nang naaresto dahil sa pagnanakaw.

Binanggit pa ni Sharlene sa pulisya na ang asawa ay kalalaya pa lamang sa kulungan kamakailan matapos na magawang maayos niya ang complainants.

Gayunman, nitong Huwebes ng hapon, nagsabi umano si Paul sa kanyang asawa na hindi na niya gustong bumalik sa kulungan. Siniguro pa umano ni Sharlene sa asawa na hindi na mangyayari ang kinakatakutan nito dahil naayos na niya ang lahat.

Pero, sinabihan umano siya ni Paul na alagaan ang kanilang mga anak kung anuman ang mangyari sa kanya. Kasunod nito ay nagpaalam na umano ang biktima sa asawa na lalabas sandali para bumili ng sigarilyo. Nang hindi pa bumabalik ang biktima matapos ang 30 minuto, nagpasya si Sharlene na bumaba­ at nagulat na lang nang makita ang asawa na nakabitin sa loob ng bakanteng kuwarto.

APOLONIO SAMSON

AYON

DENNIS LLAPITAN

GITNA ST.

LLAPITAN

PAUL ANTHONY MACASPAC

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

SHARLENE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with