NCRPO naka-full alert na para sa SONA
MANILA, Philippines - Isasailalim ngayong araw ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa full alert status ang lahat ng kanilang tauhan bilang pagÂhahanda sa seguridad sa State of the Nation Address (SONA) ni PaÂngulong Noynoy Aquino sa darating na Lunes.
Ito ang inihayag ni NCRPO Director, Chief Supt. Marcelo Garbo, Jr., dahil sa inaasahang kaguluhan matapos na hindi bigyan ng permit to rally ng pamahalaÂang lungsod ng Quezon ang mga militanteng grupo para magsagawa ng deÂmons trasyon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Sinabi ni Garbo na ma higpit na ipatutupad ang “no permit, no rally policy†ng pulisya kung saan hindi papayagan ang mga militante na magsagawa ng kilos-protesta malapit sa Batasang Pambansa.
Ngayong Biyernes pa lamang, magpapakalat na sila ng mga tauhan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at sa paligid ng Batasan Pambansa bilang bahagi ng kanilang ikakasang seÂguridad.
Tiniyak naman ni Garbo na patuloy nilang ipatutupad ang “maximum tolerance†sa mga raliyista at igigiit na hindi sa kanila manggaga ling ang anumang kaguluhan.
Samantala, may 500 ding mga sundalo ang nakahanda para tumuÂlong sa puwersa ng puÂlisya para mangalaga sa seguridad sa SONA.
Ito ang inihayag kahapon ni AFP-Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col Ramon Zagala II, naka-standby na ang nasabing isang batalÂyong sundalo para sa karagdagang deployment sa SONA.
Ayon kay Zagala, ay isang contingent na ng mga sundalo kabilang ang K9 units at Explosives Ordinance Division (EOD) team ang nauna nang naatasang tumulong sa pulisya para supilin ang mga posibleng karahasan sa pag-uulat sa bayan ng punong eheÂkutibo.
- Latest