2 holdaper sa bus, timbog
MANILA, Philippines - Nagresulta na rin ang ikinasang operasyon ng Pasay City Police laban sa mga kilabot na holdaper ng bus makaraang madakip ang hinihinalang lider ng grupo at isa nitong kasamahan sa magkasunod na operasyon kamakalawa.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Jose Erwin Villacorte ang mga naaresto na sina Randy Tablante, alyas “Tolâ€, 32, ng San Pedro, Laguna at kasamahan nitong si Bryan Cruz, alias “Kabayoâ€, 34, ng Lower Maricaban, Pasay.
Nabatid na unang nadakip si Cruz, sa loob mismo ng Elms Bus pasado alas-12 ng tanghali habang tumatahak ito sa kahabaan ng EDSA patungo ng Taft Avenue. Hoholdapin sana ni Cruz ang mga pasahero ng bus nang dakpin siya sa bisa ng warrant of arrest ng mga nakasunod na pulis.
Nakumpiska kay Cruz ang isang kalibre .9mm na baril na may siyam na bala sa magazine, isang MK2 hand granade at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Sumunod na nadakip ang itinuro ni Cruz na lider nila na si Tablante sa hangganan ng Muntinlupa City at San Pedro, Laguna. Ito ay matapos na atasan ng pulisya si Cruz na i-text si Tablante para makipagkita sa kanya upang paghatian na nila ang mga nakulimbat sa mga pasahero. Hindi na nakapalag si Tablante nang arestuhin ng mga pulis sa entrapment operation.
Sa imbestigasyon, tumugma ang pagsasalarawan ng ilang mga nabiktima sa deskripsyon nila sa dalawang suspek matapos ang sunud-sunod nilang ginawang pangÂhoholdap sa mga pasahero ng bus sa area ng Pasay City.
Nabatid na binuo ni TabÂlante ang kanilang grupo, kaÂsama ang tatlo pang nakalalayang kasamahan na pawang nahaharap din sa iba’t ibang kaso sa korte.
- Latest