^

Metro

Dumadaang kapitbahay nabagsakan: Magtiya hulog sa rooftop: 2 patay

, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 30-anyos na babae habang nasa kritikal na kondisyon ang inaalagaan nitong isang taong gulang na beybi  matapos  mahulog mula sa rooftop ng tinitirhan nilang bahay sa Valenzuela City, kahapon ng hapon.

Nadamay at namatay din ang kapitbahay nilang lolo matapos na matiyempuhan itong mabagsakan ng magtiya.

Dead-on-arrival sa Lorenzo Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Rachell Naval,  at ang nabagsakang kapitbahay na si Renato Alcantara, 63 , kapwa   residente sa Desina St., Brgy.  Arkong Bato ng naturang lungsod.

Inoobserbahan at nilalapatan naman ng lunas sa Dalandanan Hospital ang beybi na si Dennis Cabrera.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng hapon habang  karga ni Naval ang pamangkin si Cabrera mula sa rooftop ng ikalawang palapag ng tinitirhan nilang gusali.

Sa unang report, sinasabing nawalan  ng balanse si Naval habang karga nito ang pamangkin at nagdire-diretso pababa kung saan nabagsakan   pa ng mga ito  si Alcantara.

Gayunman, tinitingnan din ng pulisya kung sadyang tumalon si Naval kasama ang kanyang pamangkin.

Dinala ang mga biktima sa ospital ng mga kapit­bahay kung saan hindi na nailigtas pa si Naval at Alcantara.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam kung may naganap na foul play dito.

ARKONG BATO

DALANDANAN HOSPITAL

DENNIS CABRERA

DESINA ST.

LORENZO HOSPITAL

RACHELL NAVAL

RENATO ALCANTARA

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with