Dahil sa malakas na ulan panghapong klase sa Caloocan, sinuspinde
MANILA, Philippines - Sinuspinde kahapon ni Caloocan City Mayor Oscar MaÂlapitan ang mga panghapong klase sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan sa nasabing lungsod dahil sa malakas na pag-ulan.
Ayon kay Malapitan, mahirap aniya na baka tumaas ang baha sa mga paaralan at mahirapang makauwi ang mga estudyante sakaling magÂpatuloy ang buhos ng ulan.
Sa mga pribadong eskuwelahan ay hinayaan ng bagong upong alkalde ang desisyon kung sususpindihin din ang mga klase dito.
Alas-10:00 ng umaga nang magpasiyang magsuspindi ng klase si Malapitan.
- Latest