^

Metro

Pananabotahe na sanhi ng oil spill imposible -- City Hall

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi kumbinsido si  Manila City Administrator Jay Marzan na pana­nabotahe ang naganap na insidente ng oil spill noong Sabado sa Sta. Ana, Maynila.

Ayon kay Marzan, isa sa kanyang pinagtataka ay ang patuloy na pagtagas ng langis bagama’t isinara na ang valve ng bunker.

Aniya, sa kanilang  ini­tial inspection mahirap bu­­ tasan ang bunker kung kaya’t mas naniniwala siya na may kapabayaan sa panig ng Larainnes marketing at mga tauhan nito.

Kuwestiyonable din kung bakit diretso sa ilog ang  tagas kung panana­ botahe ang dahilan ng  oil spill dahil magiging kapansin-pansin ang pagbutas sa bunker.

Gayunman, aminado si Marzan na kailangan na laliman ng composite team ang kanilang imbes­tigasyon upang mapanagot ang mga sangkot sa  insidente.

Nabatid kay Marzan na nagsumite na rin sila ng endorsement  sa legal office upang maipatawag ang mga sangkot  at sasailalim sa imbestigasyon.

Dagdag pa  ni  Marzan na kadalasang hindi na tinitingnan pa ang mga dokumento o permit ng mga negosyo lalo na kung ito ay renewal.

Kamakalawa ay ipinasara ng city hall ang  na­sabing kompanya dahil na rin sa mga paglabag.

ANIYA

AYON

DAGDAG

GAYUNMAN

KAMAKALAWA

MANILA CITY ADMINISTRATOR JAY MARZAN

MARZAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with