^

Metro

Hindi kasi ‘pinagbigyan’ ni nanay: Beybi binalibag ni tatay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalibag ng isang mister ang isang-taong gulang nitong anak nang uminit ang ulo ma­tapos tanggihan ng kanyang misis na makipag-sex kahapon sa Caloocan City.

Nakakulong sa Caloocan City Police detention cell at nahaharap sa kasong child abuse ang suspect na si July Baret, 58, naka­tira sa  Julian Felipe St., ng naturang lungsod.

Sa kabutihang palad, ligtas naman ang sanggol.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police, kamakalawa ng gabi  ay humiling makipag-sex ang biktima sa asawang si Luz.

Subalit tumanggi ang misis, na naging dahilan upang lumabas ng bahay ang suspect at nag-inom.

Dakong alas-4:00 ng madaling-araw, nang bumalik ang lasing na suspect  at muling humirit  sa misis,  subalit muling nabigo at sa asar ay binuhat ang natutulog na  anak nilang sanggol at saka ibinalibag sa sahig.

Sa ingay ay napabangon ang ilang ka­samahan sa bahay, na tumawag ng mga ba­rangay tanod at pinaaresto ang suspect.

vuukle comment

BINALIBAG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAKONG

JULIAN FELIPE ST.

JULY BARET

LUMALABAS

LUZ

NAKAKULONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with