^

Metro

Publiko binalaan sa nagkalat na pekeng Uratex bed

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalaan ang publiko sa pagbili ng pekeng Uratex bed na ngayoy kumakalat sa merkado.

Ito ay makaraang mahuli ng mga pulis ang tatlong lalaki na nagbebenta ng  pekeng Uratex bed sa mga kalalakihang lumi­libot sa mga bara-barangay na sina Marvin Santos, Erwin Sipil at Romeo Duavit, at pawang mula sa Cabanatuan.

Sa pahayag ni Ma. Cecil Cumpas, sinabi nitong taong 2012 nang mabili  niya ang kutson ng kama mula sa mga na­banggit na lalaki na makaraan ng tatlong araw ay nawasak na.

Anya nitong nakaraang araw ay muling nakita niya ang  grupo sa kanilang lugar sa lalawigan ng Rizal at ang insidenteng ito ang nagtulak sa kanya upang magsumbong sa mga awtoridad at sa pamunuan ng Uratex foam sa Quezon City. 

Kasama ang mga alagad ng batas ay inabangan nilang muli ang pagbabalik sa kanilang lugar ng tatlong suspek at habang nagbebenta ng pekeng Uratex bed ay agad hinuli ang mga ito ng mga awtoridad dala ang isang 6 wheeler closed van na lulan ang 23 piraso ng Uratex bed.

Sinasabing mahigit 5-taon ng nagbebenta ng mga fake na kama ng Uratex ang tatlong suspek sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

 Ayon sa pamunuan ng Uratex foam bed na madaling malalaman na genuine ang kanilang produkto dahil ito ay makapal ang kutson, hindi madaling masira, nag-iisyu lamang ng resibo ang nagbebenta nito at hindi nailalako sa mga kabahayan sa Metro Manila kundi sa isang accredited stores lamang.

ANYA

CECIL CUMPAS

ERWIN SIPIL

MARVIN SANTOS

METRO MANILA

QUEZON CITY

ROMEO DUAVIT

URATEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with