14 miyembro ng MNLF, inaresto sa may poll precinct
MANILA, Philippines - Labing-apat na umaÂno’y miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na pawang armado ng baril ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 2 makaraang pagdudahan sa kakaibang kilos, habang isinasagawa ang halalan, sa Rosauro Almario EleÂmentary School sa Zaragosa St., Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.
Ayon kay Manila Mayor Alfredo S. Lim , kinumpirma sa kanya kahapon nang agad niyang tawagan si MNLF chairman Nur Misuari na mga taÂuhan niya ang 14 kalalakihan na hawak ngayon ng MPD-Station 2.
Sampu pa lang sa mga dinakip ang pinangalanan. Ito ay sina Rolando Olamit, lider ng grupo; Rodillo de Guzman, Nelson Mustafa, Abdukhani Waraje, Jalim Majid, Jeffrey Osim, Salibe Abdulhan, Recson Ampa, Comdi Majid, Teodoro Tana.
Sasampahan umano sa piskalya at sa Comelec ng mga kasong illegal possession of firearms and ammunition at paglabag sa Comelec gun ban ang mga suspect dahil narekober mula sa kanilang pag-iingat ang 3 kalibre .45 baril at isang 9 mm.
Bukod pa rito, nakuha rin sa kanilang sasakyan ang isang laptop na pag-aari ni Misuari at P300,000 na kanilang ni-raise dahil kakailanganin umano sa problema nilang kinakaÂharap sa Davao.
Ayon sa nadakip kadaraÂting lamang nila kahapon mula Davao at nagpaalam ang kanilang isang kasamahan na may pupuntahan subalit hindi nila maÂtagpuan kaya hinanap nila ito dahil uuwi na sana sila ngayong araw sa Davao.
Ang mga baril din na dala ay proteksiyon lamang umano sa katawan.
Una nang sinabi ni Supt. Ernesto Tendero na pinaÂlibutan ng kaniyang mga tauhan ang sasakyan ng mga suspect dahil nakita nila ang nakaÂbukol na mga baril sa damit, na nagkunwaring boboto subalit hindi makasagot kung anong barangay sila residente.
Hanggang sa aminin na may hinahanap lang silang kasamahan.
- Latest