22 batang ‘Hamog’ pinaghuhuli
MANILA, Philippines - Sa halip na maging kalugud-lugod ang mga kabataan, partikular ang mga menor de edad, nagiging perwisyo na rin ang mga ito sa mata ng mga mamamayan dahil sa reklamo ng madalas na panghaharas sa mga sasakyan, at minsan ay pang-aagaw ng mga bag ng mga pedestrian.
Kaya naman, upang tuluyan nang masawat at malinis ang mga lansaÂngan laban sa itinuturing na “batang Hamog†siÂnimulan ng Quezon City Police District (QCPD) ang paghuli sa mga ito sa kahabaan ng Edsa LRT Roosevelt Station sa Barangay VeteÂrans at EDSA North Avenue, Brgy. Pag-asa sa lungsodÂ.
Ang resulta, umabot sa 22 menor de edad na batang kalye at isang 22-anyos na si Feona Santos ang nadampot ng mga awtoridad.
Ang operasyon ay bunsod ng reklamo buhat sa mga pedestrian kaugnay sa mga batang kalye na madalas na nanglilimos o dili kaya ay nasasangkot sa mga snatching.
Ang mga nasabing kabataan na mula edad 7 hanggang 15 anyos ay pinagdadampot ng mga awtoridad habang pagala-gala sa may sidewalk ng dalawang nabanggit na barangay at dinala na sa DSWD-NCR.
- Latest