^

Metro

Sa harap mismo ng nobyo: Bebot na dating police asset, itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang nakamaskarang suspect ang isang babae na umano’y dating asset ng pulisya sa iligal na droga sa harap pa ng kanyang nobyo,  kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Naisugod pa sa Pasay City General Hospital (PCGH) ni Peter Gako,  43, driver,  ang kasinta­hang si Jocelyn Eugenio, 32, ng Galvez Compound, Aurora St., sa naturang lungsod su­balit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng kalibre .9mm sa ulo at katawan.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-12:45 ng madaling-araw sa kanto ng P.C. Santos at Tolentino Sts. Naglalakad ang magka­sintahan sa naturang lugar nang sumulpot ang isang la­laki na ginawang maskara ang damit pang-itaas at agad na pinaputukan si Eugenio.

Nabatid na pinagba­baril pa ng salarin ang biktima habang naka­bagsak na ito upang ma­­­tiyak na hindi ito ma­kakaligtas sa ka­ma­­­ta­ yan. Ayon kay Gako, hinabol rin siya at pinaputukan ng salarin ngunit naubusan ito ng bala kaya siya nakaligtas. 

Nang tumakas ang killer, sinamantala ito ni Gako para saklolohan ang nobya at isinugod sa pagamutan ngunit hindi na rin nabuhay.

Sinabi ni Gako sa pulisya na maa­aring may ki­nalaman sa pa­giging­ dating police asset ng biktima ang motibo sa naganap na krimen da­­hil sa ilang drug pushers­ rin sa lungsod ang naipa­kulong nito.

vuukle comment

AURORA ST.

GAKO

GALVEZ COMPOUND

JOCELYN EUGENIO

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PETER GAKO

SHY

TOLENTINO STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with