P50K payola sa pulis-Pasay inalmahan
MANILA, Philippines - Inalmahan ng mga may-ari ng establisamento ang sinasabing P50K kada buwang hinihingi ng mga taÂuÂhan ng Special OpeÂration Unit ng Pasay City PNP bilang payola para ‘di mabulabog ang panggabing neÂgosyo.
Ito ang ipinaabot sa Pilipino Star NGAYON ng mga nagnenegosyo para mapag-ukulan ng pansin ng pamunuan ng National Capital ReÂÂgional Police Office (NCRPO).
Isiniwalat din ng mapagkakatiwalaang source na ginagamit ng mga tiwaling opisÂyal sa himpilan ng pulisya ang isang alyas Allan Espeleta bilang kolektor sa mga establisamentong panggabi partikular sa kahabaan ng Roxas Blvd.
Sinasabing si Espeleta na nagpapa kila ring kolektor ng Southern Police District (SPD) ay dating pulis-Crame na sinibak dahil sa pamemeke ng dokumento may ilang taon na ang nakalipas.
Nabatid din na si Espeleta ay sinasabing kumukulekta ng malaÂking halaga bilang paÂyola sa mga lungsod ng Parañaque, Las Piñas, Taguig, Muntinlupa at Makati.
Ayon pa sa source, ang P50K na payola kada buwan ay bilang pro teksyon sa mga panggabing negosyo saÂkaling may matinÂding problema laban sa ibang yunit ng kapulisan.
“Kapag nagpatuloy ang kalakaran ng ilang opisyal ng pulisya sa sinasabing malaÂking haÂlaga ng payola, mapipilitang kaming magsara o kaya lumipat ng ibang lugar,†pahayag ng ilang negosyante na tumangging isiwalat ang kanilang pagkakaÂkilanalan.
- Latest