Preso nagwala, inuntog ang ulo sa rehas, dedo
MANILA, Philippines - Patay ang isang preso sa isang police station matapos na umano’y magwala dahil sa sobrang pagkaburyong at iniuntog ang ulo sa rehas na bakal sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.
Si Roberto Marasigan, 32, binata ay nagawa pang maisugod sa ospital ng tropa ng Police Station 3, pero bigo na ring maisalba ang buhay nito.
Nangyari ang insidente sa loob ng detention cell ng Talipapa Police Station na matatagpuan sa Quirino Highway, Talipapa, ganap na alas-6 ng gabi.
Sinasabing ang biktima ay napiit sa nasabing isÂtasyon simula pa noong Pebrero 1, 2013 dahil sa paglabag sa Presidential degree 1866, paglabag sa city ordinance 5121 at paglabag sa Comelec Omnibus election code.
Ayon kay Andrew Bagana, isa ring preso, kasalukuyan silang naghahapunan nang pumasok ang biktima sa kubeta at nang lumabas ito ay bigla na lang nanggulo at nagsimulang pagtatadyakan ang kanyang mga kasamang preso sanhi para magkaroon ng komosyon.
Sa puntong ito, agad na rumesponde ang duty officer na si Insp. Yu at desk officer na si SPO2 Isagani Boral at binalaan ang biktima. Para maiwasan ang gulo ay inabisuhan ni Yu ang mga kapwa preso ng biktima na ilagay na lang ito sa gawing harapan ng selda.
Pero sa halip umano na maging kalmado, lalong nagwala ang biktima at inuntog nito ng malakas ang kanyang ulo sa bakal na rehas sanhi para siya mawalan ng malay tao.
Dahil dito, itinakbo ng mga pulis sa Quirino Memorial Medical Center para magamot, subalit idineklara din itong patay ganap na alas- 7:17 ng gabi.
- Latest