^

Metro

Rider sumemplang, nagulungan ng truck, tepok!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Rider sumemplang, nagulungan ng truck, tepok!
Naisugod pa ang biktimang si Leland Bernal II, 32, ng GSIS Village, Project 8, Quezon City sa Tondo Medical Center Hospital ngunit binawian din ng buhay dahil sa matinding pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang nasawi nang sumemplang sa madulas na kalsada  dahil sa pag-iwas sa isang tricycle na nag-counterflow at minalas na magulungan ng isang 10-wheeler truck kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.

Naisugod pa ang biktimang si Leland Bernal II, 32, ng GSIS Village, Project 8, Quezon City sa Tondo Medical Center Hospital ngunit binawian din ng buhay dahil sa matinding pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng truck na si alyas “Jojo”, 46, ng Valenzuela City.

Batay sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), alas-9:30 ng gabi nang maganap ang aksidente sa northbound lane ng Mel Lopez Boulevard, kanto ng Katuparan St., Vitas, Tondo.

Sa kuha ng CCTV, makikitang binabagtas ng biktima, lulan ng motorsiklo ang northbound lane ng Mel Lopez Bou­levard sa Vitas, Tondo, nang pagsapit sa Katuparan St. ay isang tricycle na nag-counterflow ang nasalubong nito sa kalsada.

Dahil dito, iniwas ng biktima ang kanyang motorsiklo ngunit minalas na mawalan ng kontrol at sumem­plang sa sementadong kalsada na nagkataong madulas din dahil sa mga buhanging nahulog mula sa dumaraang mga trak. Dito na siya nasagasaan ng 10-wheeler truck na puno ng kargang kahoy na minamaneho ni alyas “Jojo” na hindi na nagawa pang makapagpreno dahil sa bilis ng pangyayari.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang dri­ver ng tricycle na nag-counter flow sa lugar na sanhi ng insidente.

vuukle comment

GSIS VILLAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with