^

Metro

Sa pagbasura sa kaso vs Carabuena MMDA dismayado sa LTO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkadismaya si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa Land Transportation Office (LTO) dahil sa pagbasura umano sa kasong isinampa nila laban kay Robert Blair Carabuena, ang lalaking nahuli sa video na nanampal sa isang traffic enforcer noong nakaraang taon.

Nabatid na nagsampa ng reklamo ang MMDA laban kay Carabuena, isang executive ng isang kompanya ng sigarilyo, dahil sa pananampal at pag-abusong berbal kay TE Saturnino Fabros noong Agosto 11 sa Tandang Sora-Capitol Hills sa Quezon City.

Ngunit sa pitong-pahinang desisyon ng LTO, sinabi nito na walang paglabag si Carabuena sa Section 21 ng Land Transportation and Traffic Code at sinabing ang insidente ay isa lamang umanong paglabag sa trapiko na hindi ka­tumbas ng mabigat na parusa tulad ng rebokasyon ng lisensya.

“Nor was he guilty of operating or using a motor vehicle in, or as an accessory to, the commission of any crime or at which endangers the public,” ayon sa desisyon.

Sa halip, inirekomendang masampahan si Carabuena ng kasong “disregarding traffic signs/disregarding traffic officer”.

“Mr. Carabuena’s action was not only a crime, but a clear and blatant disregard for authority. People like him with that kind of temper and behavior should not be allowed to drive along our roads because he is a danger not only to our enforcers, but to other motorists as well. This is not simply disregarding a traffic officer,” ayon naman kay Tolentino.

Hindi umano sapat ang pagbibigay lamang ng “warning” kay Carabuena at naniniwala sila na dapat na talagang mapawalang-bisa ang lisensya nito.

Nakatakda namang magsampa ng “motion for reconsideration” ang MMDA sa LTO ukol sa naturang kaso. Bukod sa kaso sa LTO, naha­harap din sa hiwalay na kaso si Carabuena sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa pananampal kay Fabros.

CARABUENA

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

LAND TRANSPORTATION AND TRAFFIC CODE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MR. CARABUENA

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

ROBERT BLAIR CARABUENA

SATURNINO FABROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with