^

Metro

Ilang oras pa lang magkumpare, nag-duelo na: 1 patay, 1 kritikal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilang oras pa lamang nang maging magkumpare, nag­duelo na agad ang dalawang lalaki na hindi nagkaunawaan sa kanilang inuman kung saan isa ang patay habang kritikal naman ang isa, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Patay na nang idating sa Dr. Florencio Bernabe Memorial Hospital ang biktimang si Lino Fabe, 63, karpintero sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kaliwang dibdib.

Kritikal naman at inilipat sa Philippine General Hospital ang nakaduelo na si Alfredo Alpersula, 45, ng Tabon, Brgy. La Huerta na nagtamo ng malalim na saksak sa sikmura.

Sa imbestigasyon ng Paranaque City Police, kap­wa nag-ninong sa isang binyagan ang dalawa sa anak ng isa nilang kaibigan sa Brgy. Sto. Niño. Matapos ang binyagan, isinama pa ng biktima sa kanilang bahay si Alpersula upang doon nila ituloy ang kasiyahan bilang selebrasyon na rin ng kapistahan ng Sto. Niño.

Dakong alas-6:45 ng gabi nang biglang magtalo at magsigawan na lamang umano ang dalawa at naglabas ng kanya-kanyang patalim at nagpalitan ng unday ng saksak.

Sumaklolo naman ang mga kaanak at kapitbahay at mabilis na isinugod ang dalawang lalaki sa pagamutan kung saan minalas na malagutan ng hininga si Fabe.

 

vuukle comment

ALFREDO ALPERSULA

BRGY

DR. FLORENCIO BERNABE MEMORIAL HOSPITAL

LA HUERTA

LINO FABE

PARANAQUE CITY POLICE

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with