^

Metro

Family driver utas sa nakatitigang dispatcher

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang  family driver makaraang barilin ng isang dispatcher dahil sa isyu ng titigan sa lungsod Quezon kamakalawa.

Si Raulito Ayano, 42, ay nasawi sa New Era Hospital matapos ang pamamaril sa isang bar sa Brgy. Pasong Tamo.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili, tinutugis na nila ang suspect na si Germando Malvar, 56, naninirahan sa Brgy Old Balara na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril.

Nangyari ang insidente sa panulukan ng Hukvet at Freedom St., ganap na alas-10:30 ng gabi.

Bago ito, galing sa bar ang biktima kasama ang pinsang si Danilo Maputol kung saan sila nag-inuman. Ilang oras ang lumipas ay lumabas na ang dalawa para umalis sakay ng isang Mitsubishi Montero Sport. Pero habang papaalis, naispatan ni Ayano si Malvar kung kaya bumaba ito ng sasakyan at nilapitan ang huli.

Dito ay kinompronta ng biktima ang suspect dahil sa pagtitig umano nito sa kanya habang umiinom din sa loob ng bar.

Ang komprontasyon ay nauwi sa suntukan, hanggang sa tangkaing awatin sila ng may-ari ng bar.

Sabi ni Capili, habang nasa kainitan ng suntukan ay biglang naglabas ng baril si Malvar at binaril sa likuran ang biktima. Agad na bumuwal si Ayano habang si Malvar naman ay mabilis na sumakay sa isang Honda XRM motorcycle, at tumakas.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara din itong patay ganap na alas-12:30 ng madaling-araw dahil sa tama ng bala sa likuran na tumagos sa sikmura.

 

vuukle comment

AYANO

BRGY OLD BALARA

DANILO MAPUTOL

FREEDOM ST.

GERMANDO MALVAR

HERMOGENES CAPILI

MALVAR

MITSUBISHI MONTERO SPORT

NEW ERA HOSPITAL

PASONG TAMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with