^

Metro

Bebot binagsakan ng tipak ng bato sa ulo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang babae ang natagpuang basag ang bungo at walang buhay sa gilid ng Estero, sa Vitas, Tondo, Maynila,  kahapon ng umaga.

Inilarawan ni SPO1 Jonathan Moreno ang biktima sa edad na 23-30, may taas na 5’2’’ hanggang 5’4’’, nakasuot ng kulay pink na long sleeve na may tatak na “SAULT”,  pulang  jogging pants at walang anumang sapin sa paa.

Sa imbestigasyon, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuang patay ang biktima sa gilid ng Harbour Center, sa Road 10, Vitas Tondo, Maynila.

Nauna rito, napansin ni Ronald Directo,  guwardiya ng Harbour Center na may pinagkakaguluhan ang mga usisero sa nasabing lugar at nang kanyang usisain ay nakita ang bangkay ng biktima na nakadapa at ang ulo ay nakapatong sa malaking bato, habang ang kamay ay nakapatong sa  ulo.

Nakuha rin sa tabi ng biktima ang isang duguang  Nokia cellphone na may sim card subalit walang pagkakilanlan sa kanya.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa pagpatay.

 

vuukle comment

ESTERO

HARBOUR CENTER

INAALAM

INILARAWAN

ISANG

JONATHAN MORENO

MAYNILA

RONALD DIRECTO

VITAS TONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with