^

Metro

Pulis utas sa riding-in-tandem

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isa na namang pulis ang pinagbabaril hanggang sa ma­­patay ng riding-in-tandem kamakalawa sa lungsod ng Caloocan.

Dead-on-arrival sa President Diosdado Macapagal Me­morial Medical Center ang biktimang si SPO1 Manolo Caole, 43, nakatira sa Coral St., Dagupan, Tondo, Manila at naka­talaga sa Highway Patrol Group (HPG) sanhi ng tinamo nitong ilang tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa dalawang suspek kasabay ng ini­lunsad na manhunt operation laban sa mga ito.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon sa kahabaan ng 10th Avenue sa lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, galing ang biktima sa hearing ng kaibigan nitong si Ryan John Villa at nakasakay ang mga ito sa kanyang Honda Civic Sedan (WHA-114) nang bigla na lamang sumulpot ang dalawang suspek na sakay naman ng isang motorsiklo.

Pagkakita ng mga ito sa biktima ay walang sabi-sabing pinagbabaril agad ito sa ulo at katawan at nang matiyak ng mga ito na hindi na mabubuhay ay mabilis nang nagsitakas.

Matatandaan na kamakailan lamang, isang pulis din ang pinagbabaril at napatay ng isang rider na sinita nito dahil sa walang helmet sa lungsod ng Navotas.

AYON

CALOOCAN

CALOOCAN CITY POLICE

CORAL ST.

HIGHWAY PATROL GROUP

HONDA CIVIC SEDAN

MANOLO CAOLE

MEDICAL CENTER

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL ME

RYAN JOHN VILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with