^

Metro

Eleksyon sa MM naging mapayapa

-
Sa kabuuan generally peaceful at naging matagumpay naman ang naging eleksyon sa buong Metro Manila liban sa ilang insidente ng kaguluhan at kalituhan.

Liban sa mga suliraning madalas na kinakaharap ng mga botante, katulad ng kawalan ng kanilang mga pangalan sa voter’s list wala namang naiulat na naganap na anumang malalaking insidente ng karahasan sa araw ng eleksyon.

Sa Quezon City matahimik ang naging pagdaraos ng halalan at tulad nga sa ibang lugar iisa ang bumangong problema, ito ay ang pagkawala ng pangalan ng mga botante sa listahan ng maaaring bumoto.

Mataas din ang porsiyento ng mga bumoto.

Sa Maynila, may ilang lugar na sinasabing nawalan ng kuryente habang nagaganap ang bilangan, gayunman hindi naman ito naging balakid at itinuloy pa rin ang bilangan gamit ang mga kandila.

Sa CAMANAVA area, halos matagumpay rin ang eleksyon liban sa ilang lugar sa Caloocan, katulad ng sa Bagong Silang Elem. School na dito hinihiling ng mga botante na ideklara ang ‘failure elections’ dahil sa marami ang hindi nakaboto matapos na mawala ang kanilang mga pangalan sa listahan ng mga voters.

Matahimik din ang eleksyon sa Southern Metro Manila area.

Sa Pasay City, dalawang lalaki ang inaresto ng pulisya matapos na mamahagi ng black propaganda.(Ulat nina Angie dela Cruz, Rose Tamayo,Lordeth Bonilla at Edwin Balasa)

BAGONG SILANG ELEM

EDWIN BALASA

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

ROSE TAMAYO

SA MAYNILA

SA PASAY CITY

SA QUEZON CITY

SOUTHERN METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with