^

PSN Showbiz

SB19, BINI, sunkissed Lola, Flow G AT puregold inilabas ang OPM collab music video

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Matapos ang ilang linggong antisipasyon at pagpapatikim sa kanilang mga social media, inilabas na ng Puregold ang music video ng bagong kantang Nasa Atin ang Panalo.

Ipinakita nito noong Mayo 25, ang todong kolaborasyon ng apat na sikat na grupo sa kasalukuyan: SB19, BINI, SunKissed Lola, at Flow G.

“These four artists are the powerhouse acts in Philippine music today. Collaborating with them is an excellent opportunity to reinforce Puregold’s barnd message,” pahayag ni Vincent Co, Presidente ng Puregold Price Club, Inc. “Ipinagmamalaki namin ang kanilang mga tagumpay at patuloy naming iaangat ang talento ng mga Pilipino. Habang inaabangan namin ang aming ika-500 na tindahan,” dagdag niya.

Tampok sa music video ang apat na grupo na kumakanta at sumasayaw sa isang stylized Puregold store. At ipinakita nila ang iba’t ibang galing nila: pag-harmonize, pagsayaw sa mahusay na choreography, mga instrumental na solo, at sa kaso ni Flow G, pagsulat at pag-rap ng sariling version.

Pero bukod sa collaboration nila, ipinagdiriwang din ng Nasa Atin ang Panalo ang mga tao ng Puregold. Kasamang sumasayaw sa music video ang mga araw-araw na mamimili at ang staff na sinisigurong tumatakbo nang maayos ang Puregold. Pati si Aling Puring, nagpakita at nakisayaw din.

Kuhang-kuha ng kanta ang essense ng “Panalo” na inilalarawan ang mahabang kasaysayan ng Puregold sa industriya ng retail. Higit doon, inaawit din nito ang kuwentong panalo ng mga artistang kasama sa paglikha ng kanta, na lumahok sa proyektong ito kaakibat ang kanilang mga tagumpay.

Patunay ang tuluy-tuloy na pag-angat ng SunKissed Lola sa kanilang pagtindig sa pagsasakatuparan ng kanilang mga pangarap. Paalala naman ang pag-unlad at coming-of-age na paglalakbay ng BINI ng halaga ng pagbabago sa paglipas ng oras. Halimbawa naman ang determinasyon at pagsulong ni Flow G ng determinasyon sa harap ng patuloy na mga hadlang.

Ang kuwento ng SB19, na puno ng mga tagumpay at pagsubok, ay isang larawan ng kakaibang husay na harapin ang bawat bagong araw.

Pinagsasama-sama ng kanta ang lahat ng ito, na malapit nang mapakinggan sa mga streaming platform gaya ng Spotify.

Subalit hindi pa tapos ang excitement ng mga Pinoy Pop fan; marami pang dapat abangan.

vuukle comment

PUREGOLD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with