^

PSN Showbiz

Rob Gomez, ‘kinasuhan’ ang ina ng anak!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rob Gomez, �kinasuhan� ang ina ng anak!
Rob Gomez at Anak

Ang gandang basahin sa Instagram ng mga mensahe ng mga kilalang celebrities para sa kanilang ama noong Linggo, Father’s Day.

Ang isa talagang na-touch kami ay ang hindi makuwestiyong pagmamahal ni Lotlot de Leon.

Ang una niyang ipinost ay para sa kanyang tunay na ama na sa kabuuan ay nagpapahayag ng pagmamahal at pagpapatawad.

Ibinahagi niyang nalaman niyang nandiyan ang kanyang ama nung iniluwal siya sa hospital, pero may rason kung bakit itinago siya at nanatiling lihim. “Then the time came when we found each other again…(white heart emoji) There was a lot of questions on my part. Instead I found myself understanding.

“It still boils down to love,” bahagi ng post nito.

Itinuloy ni Lotlot sa isa pang IG post na para naman sa kanyang adoptive father na si Christopher de Leon.

“A dad who never fails up to now to remind me of how loved I am by his simple messages of, ‘I love you, anak!’ And who remains present in my life and my children’s lives. What a blessing! My gratitude is eternal,” bahagi ng kanyang post sa Instagram.

Kahit si Sandy Andolong ay natuwa at nag-comment din sa post na iyun.

Sumagot naman si Boyet ng; “This is one of the reasons why it is hot hard for me to love & cherish you Anak (heart & smile emoji).”

Si Rob Gomez naman ay patuloy pa ring ipinag­lalaban ang kanyang  pagiging ama sa anak nito kay Shaila Rebortera.

Pabiro niyang sinagot na magtitirik siya ng kandila sa tanong kung ano ang gagawin niya sa Father’s Day.

Idinaan na ni Rob sa legal na paraan para makita lang niya ang kanyang anak.

Magmula nang pumutok ‘yung isyu nila ni Herlene Budol na kung saan inilabas ng dating partner ang chat nina Rob at Herlene, at pati si Bianca Manalo ay nadamay, hindi pa rin daw naibalik sa kanya ang kanyang cellphone.

Pero ang talagang concern ni Rob ay ang kanyang baby girl na huling nakita niya ay noong December 10 last year pa raw, pagkatapos ng first birthday ng bagets.

Hindi lang niya idinetalye pero idinaan na raw niya sa korte ang hinihingi niyang visitation rights.

“I’m doing everything legally, just everybody knows. Just so everybody knows and also my daughter would see this hopefully one day.

“I’m doing everything I can, all of my off days are spent on working on getting to see her,” saad nito sa interview sa kanya ni MJ Marfori kamakailan lang.

vuukle comment

ROB GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with